Biyernes, Abril 8, 2022

Tekstong Prosidyural

 Proseso ng Paghahalo ng Tamang Bilang ng Semento, Buhangin, Graba, at Tubig para sa Lakas ng Konkreto na 3000psi na Kailangan sa Pagpapatayo ng Isang Gusali

  1. Sa unang proseso nang pagkamit ng 3000psi na lakas ng konkreto, ihanda ang mga gagamiting materyales. Kasama sa mga materyales na ihahanda ang semento, buhangin, graba, at tubig na may proporsyon na, 1:2:3:0.5. Kabilang din sa mga ihahanda ang concrete mixer na gagamitin sa paggawa ng halo, balde na gagamitin sa pagsalok ng tubig, at pala na gagamitin sa pagsalok ng mga materyales na ilalagay sa concrete mixer. Kinakailangan din natin ng molder na siyang paglalagyan ng nagawang semento. 

  2.  Sa pangalawang proseso, gamit ang pala at balde, dahan-dahang ilagay at pagsama-samahin ang semento, buhangin, graba, at tubig sa loob ng concrete mixture. Kung halimbawa ay ang isang sako ng semento na iyong gagamitin ay may bigat na 40 kilo, ang ilalagay na buhangin ay 80 kilo, graba na 120 kilo, at tubig na 20 litro, alin sunod sa tamang proporsyon ng pagbuo ng konkreto.

  3. Sa pangatlong proseso, gamit ang concrete mixer, paikutin ang aparato upang tuluyang magsama-sama ang mga nilagay sa loob nito. Hayaang maghalo ang konkreto hanggang sa tuluyan itong magsama-sama at makamit ang tamang consistency. 
        
  4. Sa pang-apat na proseso, paghaluin ang concrete mixture nang mga 3-5 minuto hanggang sa maging uniform ang mixture at makabuo ng isang semento.

  5. Sa pang-huling proseso, ilatag sa molder ang semento at hintayin itong matuyo. Sa curing stage o pagpapatuyo ng konkreto, pagka-abot nito sa pang-pitong araw, ang buong compressive strength nito ay hindi bababa sa 70 porsyento. Bilang 3000psi ang dapat nating makamit na lakas nito, marapat lamang na ito ay patuyuin ng hanggang 28 araw upang makamit din natin ang maximum compressive strength nito.

Neologismo (Tekstong Impormatibo)

    Isa sa mga katangian ng wika ay ang pagiging dinamiko. Ito ay buhay at patuloy na nagbabago (Rey, 2019). Dulot nang pagbabago ng panahon at patuloy na pag-unlad ng teknolohiya, patuloy rin ang paglaganap ng iba’t ibang impluwensya na nakakadagdag sa makabagong kaalaman na nakakaapekto sa wikang sinasalita at sinusulat (Mapa & Marbella, 2019). Ang Pilipinas, bilang kilala sa pagiging mayaman sa kultura at likas na yaman nito, ay kilala rin bilang isang bansa na sinakop ng mga Kastila, Hapon, at Amerika. Dulot nito, ang ating wika ay naimpluwensyahan ng mga bansang ito. Wika na nagsisilbing kalasag tungo sa pagkakaisa at wika na isang bagay na gamit sa ating pagkakakilanlan.


    Sa paglipas ng panahon, masasalamin sa mga Pilipino kung paano nagbago at umunlad ang ating wika. Mula sa dating mala-makatang pagsasalita, ngayon, makikita kung paano naging mas moderno ang wika. Ang paglikha, paghahalo-halo, o paggamit ng mga bagong salita na nilikha sa isang tiyak na wika ay tinatawag na Neologismo. Bagamat ito ay hindi pa ganap na katanggap-tanggap sa pang araw-araw na wika, ito ay laganap sa kasalukuyang panahon sapagkat may mga umuusbong na mga bagong salita o bagong pagkakahulugan ng isang salita dulot ng nagbabagong panahon o modernisasyon.


    Dulot ng Neologismo, ating masasabi na ang wika noon at ngayon ay mayroong malaking pagkakaiba at pagbabago. Sa patuloy na paglawak nito, masasabi natin na ang lipunan at ang pagusbong ng teknolohiya ang siyang mga sanhi at may malaking ambag o impluwensiya rito. Bunga nito, kung noon, Nanay ang tawag sa mga Ina. Ngayon, marami na itong baryasyon katulad ng mudra, madir, mudrakels. Mula sa mga pormal na salita nagkaroon tayo ng mga salitang impormal katulad ng:

  • Salitang Kolokyal - ginagamitan ng pagkakaltas ng mga titik at paghalo ng dalawang wika (Kolokyal) kagaya ng Musta (Kumusta), Pre (Pare), at iba pa.
  • Salitang Balbal - nagtataglay ng kagaspangan, islang, at may pagka-bulgar (Balbal) kagaya ng lodi o lods (idolo), petmalu (malupet), at iba pa na sa kasalukuyan ay sadyang laganap sa henerasyong ito at kung minsan ito ay gamit na gamit kung ang kanilang mga kasama ay ang kanilang mga kaibigan.  
  • Swardspeak/LGBT Slang – na mas kilala sa Gay Lingo o Bekimon na kilalang ginagamit at pinasimulan ng mga myembro ng komunidad ng LGBT at itinuturing na mayroong pinakamalaks na impluwensya sa lipunan sa panahon ngayon sapagkat ito ay nagtataglay ng mga modernong salita kagaya ng charot, keme, platrakpatruk, chugug, at marami pang iba. 
    Sa patuloy na paglaganap ng Neologismo, mapapansin na ito rin ay nadadala maging sa paaralan. Ang iilan ay patuloy na ginagamit ang kung ano ang tamang wikang sinasalita at sinusulat, ngunit ang iba ay paikli na nang paikli ang mga salita at pagdadaglat ng mga salita. Sa usaping pormal na edukasyon, ang neologismo ay masasalamin bilang isang kaalaman na nagmula sa patuloy na paglaganap ng iba’t ibang impormasyon na nakukuha sa iba’t ibang paraan. Ang mga bagay na ito ang nagiging dahilan kung bakit ang lahat ay kinakailangan maging bukas ang isipan sa pagtanggap at pagkilala sa mga pagbabagong panlipunan. Kasama na rin dito ay kung paano ang neologismo ay patuloy na nakikita sa pang araw-araw na sistema ng mga tao.

    Ayon sa eCompareMo (2017), ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay patuloy na ipaglalawig ang paggamit ng salitang Pilipino sa paaralan. Ito ay hinihikayat lalo na sa mga asignaturang katulad ng siyensa, matematika, ekonomiya at pinansyal, kompyuter at impomasyong pang-teknolohiya, pag-iinhinyero, medisina, at abogasya. Ayon din sa puno ng KWF na si Benjamin Medillo, nakatutulong upang mas mapaigting ang pag-unawa at ang mga kakahayang magpaliwanag ng mga mag-aaral kung ang pagtuturo ng mga asignatura ay nasa ating sariling wika. Marapat lamang na ihanda ang makabagong sistema ng edukasyon, hindi lamang sa loob ng paaralan, sa pagitan ng mga babasahin, sa mga karanasan at pakikipag- ugnayan sa kapwa, gayon din dapat bukas ang lahat na may mga salita na sadyang makakatulong sa pagtuklas at paggamit ng wika ng higit pa sa ating inaakala.

    Sa pag-usbong nang makabagong henerasyon ay ang pag-usbong din ng mga makabagong salita na siyang napagkakasunduan ng lahat. Patuloy ito na umaagapay at kayang maging malikhain ng wika upang matugunan ang iba’t ibang pangangailangan ng tao. Kasabay nito, ang wika na ating ginagamit ay lumalawak at napapalawig pa. Mahalagang maunawaan ng lahat na hindi lang sa pag-unlad at patuloy ng pagiging modernisado ng mundo nakikita ang pag-usbong ng bawat salita. Hanggat gagap at tanggap ng madla ang umiiral na wika, laging ang neologismo ang magaganap ng kusa. Gayundin, bilang isang Pilipino, marapat lamang na tayo ay maging responsable sa kung paano natin maipripriserba, maisusulong, at mapagyayaman ang ating wika. Likas na nagbabago ang wika. Kaya’t marapat lang na ating pagyabungin kung ano ang atin. 

Sanggunian: 
Antipara Blues (2021, Enero 8). TAPSILOG at ALTANGHAP: Neolohismo sa Wika [Video]. Youtube. https://www.youtube.com/watch?v=SmZnm6z6las 

Brainly (2020, Oktubre 5). Kahulugan ng Kolokyal. Mula sa: https://brainly.ph/question/3551104 
eCompareMo (2017, Agosto 23). Ilan sa mga Salitang Pinansyal na ito ang Kaya mong Bigkasin sa Wikang Filipino. Mula sa: https://www.ecomparemo.com/info/ilan-sa-mga-salitangpinansyal-na-ito-ang-kaya-mong-bigkasin-sa-wikang-filipino 

Germino, L.R.S (2020, December 28). DALUMAT NG/SA FILIPINO [Video]. Youtube. https://youtu.be/J4Ere2G7fNA 

Mapa, K.K.D. & Marbella, F.D. (2019, Pebrero 18). Impluwensya ng Midya sa Pag-aaral ng Wika. Mula sa: https://oaji.net/articles/2020/1543-1585280836.pdf 

Rey, V. (2019). KATANGIAN NG WIKA – Ang Bawat Katangian At Ang Kahulugan Nila. Narekober mula sa: https://philnews.ph/2019/07/22/katangian-ng-wika-at-kahlugan/ 

Tagalog Lang. (2022). Balbal. Mula sa: https://www.tagaloglang.com/balbal/comment-page-1/ 

Tagalog Lang. (2020, Nobyembre 7). NEOLOHISMO. Mula sa: https://www.tagaloglang.com/neolohismo/

Giyera sa Pagitan ng Russia at Ukraine (Tekstong Argumentatibo)

 Argumento: Sang-ayon ka ba sa pananakop ng Russia sa Ukraine?


    Sa pagsiklab ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine, ang aking paninindigan sa usapin na ito ay ako'y hindi sumasang-ayon sa pananakop ng Russia sa Ukraine. Noong ika-24 ng Pebrero taong 2022, nag anunsyo ang Presidente ng Russia na si Vladimir Putin ng isang “Special Military Operation” sa bansang Ukraine. Ngunit sa mga nangyayaring pambobomba ng Russia sa Ukraine, malinaw sa lahat na ito ay isang “Full-Scale Invasion”. Ito ay nagbigay takot hindi lamang sa mga mamamayan ng bansang Russia at Ukraine, gayondin sa buong mundo. 

    Sa pagnanais na sakupin ni Pangulong Putin ang Ukraine, siya ay gumamit ng dahas. Kung ating babalikan ang taong 2014, nang mapatalsik ang Presidente ng Ukraine na isang pro-Russian, si Putin ay gumamit na rin ng dahas sa bansang Ukraine. Sa kagustuhan ni Putin na mapigilan ang pagbuo ng alyansa ng Ukraine sa European Union at sa pangamba na siya ay mawalan ng political influence sa bansang ito, kanyang sapilitang sinakop ang parteng Crimean Peninsula at ang rehiyon ng Donetsk at Luhansk. Ngunit lumipas sa na mga taon, hindi pa din tinatantanan ni Pangulong Putin ang Ukraine.

    Sa makalipas na walong taon, nangangamba si Pangulong Putin na wala siyang magawang progreso sa kanyang paninindigan na dapat ang Slavic Nation, particular na ang Ukraine at Russia, ay dapat maging parte ng iisang bansa. Ayon sa Guardian News (2022), aniya ni Pangulong Putin, ang mga pangyayari nuong 1991, kung saan ang pagkabuwag ng Soviet Union na binubuo ng labinlimang bansa mula silangang parte ng Europa, ay hindi makatarungan at hindi tama. Kaya naman netong Pebrero, siya ay nagdemand sa North Atlantic Treaty Organization (NATO) na itigil ang pagpapalawig ng impluwensiya nito at ibalik sa dati ang ayos ng border kagaya nuong 1997 sapagkat nangangamba siya sa mga maaaring posibilidad ng pagkamit ng Ukraine na mapabilang sa NATO at sa isyu ng sekyuridad ng kanyang bansa sapagkat ang Ukraine ay may malawak na border.

    Sa mga naging rason nang pagsibol ng alitan na ito sa pagitan ng Russia at Ukraine, marapat lamang na sabihin na hindi makatarungan at hindi tama ang ginawa ng Russia sa Ukraine. Ang mga pangyayaring ito ay hindi makatuwiran sapagkat ang Ukraine ay isang sovereign nation na may sariling lenggwahe, kultura, at political system. May karapatan ang bansang Ukraine sa kung ano ang kanilang desisyon sa pagpapalago ng kanilang bansa. 

    Bilang isang inhinyerong sibil sa hinaharap, ang epekto ng mga ganitong alitan sa aming larangan ay ang mga posibilidad ng pagkakaroon ng kakulangan sa suplay ng mga produkto kagaya ng bakal na kinakailangan sa pagbuo ng aming proyekto at gasulina para sa pagpapaandar ng mga makinaryang kinakailangan. Bilang pagwawakas, ang pagsibol ng pagkabahala sa pagkakaroon ng malalang “chain reaction” gawa ng alitan na ito ay isang alalahanin para sa lahat ngunit dapat din nating bigyang diin na sa laban sa pagitan ng Russia at Ukraine, hindi katanggap-tanggap ang pagkawala ng buhay ng mga inosenteng tao dahil lamang sa pansariling interes ng mga nasa kataas-taasang opisyales ng bansa.

Sanggunian:
Guardian News (2022, Pebrero 25). Why has Putin's Russia waged war on Russia? [Video]. Youtube. https://www.youtube.com/watch?v=YNlUnipdbQM&t=21s

Vox (2022, Marso 3). Putin's war on Ukraine, explained [Video]. Youtube. https://www.youtube.com/watch?v=MVu8QbxafJE&t=365s

Huwebes, Abril 7, 2022

Kabataang Gen Z (Balangkas at Sanaysay)

Balangkas 

Tesis na Pangungusap: Ang kabataan ng Henerasyon Z ay mananatiling pag-asa ng bayan. 

A. Impluwensya ng iba’t ibang social networking sites 

    a. Malayang plataporma sa pagsasalita at paglalahad ng damdamin 

    b. Karagdagang kaalaman sa mga napapanahong isyu ng mundo 

B. Walang takot na pagharap sa mundo 

    a. Tapang para sa bayan

    b, Tapang sa pagsulong ng kung ano ang tama 

     

Sanaysay 

    Ang kabataan ng Henerasyong Z ay mananatiling pag-asa ng bayan sapagkat sa kasalukuyan, ang impluwensya ng iba’t ibang social networking sites ay ang siyang unang nakikita sa mga kabataan ng henerasyong ito. Sa makabagong mundo, ito ang nagiging isang malayang plataporma sa pagsasalita at paglalahad ng damdamin ng mga kabataan. Dito nila mas naipapadama at naipapamahagi ang kanilang mga hinanaing at mga saloobin sa iba’t ibang bagay na kanilang nakikita kagaya na lang ng mga usapin patungkol sa pulitika, at iba't ibang isyu na laganap sa ating lipunan. Bilang ang mga kabataan ngayon ay hantad sa iba't ibang kagamitang panteknolohiya, isa rin sa dahilan ng pagiging mulat nila sa bayan ay ang pagkakuha karagdagang kaalaman sa mga napapanahong isyu ng mundo gamit ang iba't ibang social media sites. Bilang ang kasalukuyang henerasyon ay tutok sa mga ito, may mga impormasyon at mga bagay bagay ang nakakapagmulat sa kanilang kaisipan sa iba’t ibang isyu ng mundo kaya't nagagawa nilang tumindig sa mga bagay na alam nilang wasto sa kaisipan ng nakararami. 

    Sa pagsulong ng kinabukasan ng bayan, mananatiling pag-asa ang mga kabataan sapagkat sila ay walang takot na humaharap sa mundo. Sila'y may tapang para sa bayan. Bilang maugong at nalalapit na ang eleksyon, alam ng mga kabataan sa henerasyong ito kung sino ang kanilang dapat piliin. Hindi sila mangmang sa kung sino ang dapat maupo at mamuno para sa susunod na anim na taon ng kanilang kinabukasan. Higit sa lahat, ang mga kabataan sa henerasyong ito ay may tapang sa pagusulong ng kung ano ang tama. Nagagawa nilang ipagtanggol ang kanilang kapwa mula sa mga taong mangmang sa katotohanan. 

    Sa usaping may kinalaman sa mga kabataan, nawa'y ating maintindihan na sa paglipas ng panahon, iba't ibang kasanayan at kaalaman ang kanilang natututunan na iba sa pananaw ng ibang nakakatanda. Marapat din nating isaalang-alang na ang henerasyon ngayon ay hindi katulad dati. Ang mga kabataan ngayon ay may iba't ibang pamantayan na nahubog mula sa lipunang kanilang kinaroroonan.

Miyerkules, Abril 6, 2022

Gimbal (Tula tungkol sa Pulitika)

Gimbal ni Charles Montano 

Ako ay kakatha ng maigsing tula 

Nakakatakot ang mga nagbabadya 

Anim na taong hirap ang dadanasin 

Kung ang pipiliin ay mga papansin 

II 

Iginigiit at pilit sinisingit 

Mga kandidaturang pilit na pilit 

Pulitika pawang naging pelikula 

Sa dami ng drama, nakakaumay na 

III 

Pag-usapan simpatya ng sambayanan 

Pumili ng talagang maaasahan 

Wala sa kulay ang dapat pagusapan 

Kundi sa kung ano ang magagampanan 

Kaugayan sa Larawan

Ang Alegorya ng Yungib

ni Plato

Larawan:



Bahagi ng akdang binasa

Pinapaksa sa bahagi na napili sa akdang binasa

Kaugnayan ng larawan sa napiling bahagi

Kailangang mahirati ang kaniyang paningin sa dakong itaas ng mundo. At makita niya nang maliwanag ang mga anino, kasunod ay ang repleksiyon ng tao at  iba pang bagay sa tubig, at ang mismong mga bagay. Pagkatapos, tititig siya sa liwanag ng buwan at mga bituin, at sa maningning na kalangitan; at kaniyang makikita ang ulap at mga bituin sa gabi nang mas maningning kaysa liwanag ng araw na hatid ng umaga.

 

Tiyak.

 

Higit sa lahat, magkakaroon siya ng kakayahang makita ang araw, hindi lamang ang repleksiyon niya sa tubig kundi makikita niya  ang sarili sa kinaroroonan, at hindi sa iba pa man, at siya ay makapagninilay-nilay kung sino siya.

 

Tiyak.

 

At siya ay makararating sa pagtatalo na siya mismo ay naglaan ng panahon. At ang gumagabay sa lahat ng ito ay yaong nakikita sa mundo, na naging dahilan upang siya at ang kaniyang kapwa ay masanay sa pagtitig.

 

 

 

 

 

Sa bahaging aking napili sa nabasang akda, ito ay aking malalarawan sa usapin ng “Kamalayan sa Lipunan at Kultura

 

Bilang paguugnay ng aking napiling bahagi sa larawan, ayon sa aking napiling bahagi, kailangan mo raw imulat ang iyong mga mata upang makita ng maliwanag ang mundo. Dapat din daw, ikaw mismo ay marunong tumingin sa iyong sariling repleksyon. Dapat raw matutunan mong makita ang mundo at ang mga katotohanan na nakapaloob dito. Nang sa gayon, makapagbahagi ka sa ibang tao ng karunungan at mabago ang kanilang pananaw at masanay sila sa mga bagong katotohanan ng mundo.

 

Alam naman natin na ang mundo, sa kasalukuyan, ay magulo. Madaming problema. May mga bagay pa rin na kahit palagi ng napaguusapan ay taliwas pa rin sa kanilang paniniwala. Sadyang kinagisnan ng ibang tao ang mga ganung paniniwala. Pero nang dahil sa patuloy na pagdaloy ng modernisasyon at kasabay ng tamang edukasyon, natutuhan natin kung paano makibagay sa ating lipunan. Mas natutuhan natin na itama ang mga dating gawi, pagiisip, at pag uugali ng ibang tao. Kaya nga sabi saking bahaging napili, “At ang gumagabay sa lahat ng ito ay yaong nakikita sa mundo, na naging dahilan upang siya at ang kaniyang kapwa ay masanay sa pagtitig.”

 

Sa lahat ng kaguluhang nangyayari sa mundo ngayon, wala nang mas mahalagang panahon para sa sangkatauhan na buksan ang ating mga mata sa mga karapatan na dapat na tinatamasa ng ating kapwa. Mas magiging maganda ang mundo kung tayo mismo ay hindi isang bilanggo sa mundo ng kamangmangan. Kinakailangan na ating gamitin ang ating isipan upang matuklasan ang tunay na kaanyuan ng mga bagay-bagay sa mundong ating kinabibilangan.



Martes, Abril 5, 2022

Pagsasaling Wika

ENGLISH 

    The COVID-19 pandemic situation has impacted the entire education system, especially universities, and brought a new phase in education “e-learning.” The learning supported with electronic technology like online classes and portals to access the courses outside the classroom is known as e-learning.  

    With the availability of a sea of platforms and online educational tools, the users—both educators and learners—face frequent hiccups while using it or referring to these tools. Some of the challenges identified and highlighted by many researchers are summarized as follows: 

    Broadly identified challenges with e-learning are accessibility, affordability, flexibility, learning pedagogy, life-long learning, and educational policy (Murgatrotd, 2020). Many countries have substantial issues with reliable Internet connection and access to digital devices. While, in many developing countries, economically backward children are unable to afford online learning devices, online education poses a risk of exposure to increased screen time for the learner. 

    The study revealed that the positive results of the students’ perspective on the quality of e-learning would help the policy-makers of the country in providing the learning process during the COVID-19 pandemic. Also, the result explored the importance of the quality aspects of e-learning for improvement.


TAGALOG

    Ang pandemyang dulot ng Covid-19 ay lubos na nakaapekto sa buong sistema ng edukasyon, humigit lalo na sa mga unibersidad, at nagdala ito ng bagong yugto sa edukasyon na kung tawagain ay "e-learning." Ang mga pag-aaral na sinusuportahan ng elektronikong teknolohiya tulad na lamang ng mga online na klase o kaya nama’y pagkakaroon ng koneksyon sa mga portal ng kanilang mga kurso ay kilala sa tawag bilang e-learning.

    Ngunit, kahit napakarami mang uri na ng plataporma at online educational resources ang nagagamit ng mga mag-aaral maging ng mga guro, pinagtitibay ng isang pananaliksik na sila pa rin ay lubos na nahihirapang makasabay sa online na estilo ng pag-aaral. Narito ang ilan sa mga problema na kinilala at binigyang-diin.

    Ayon sa pananaliksik na isinagawa nina Pokrel at Chhetri (2021), maraming bansa ang may malalaking isyu sa usapin ng pagkakaroon ng mga digital na kagamitan sa online classes at sapat na koneksyon sa Internet. Pinagtibay humigit din sa pananaliksik ni Murgatrotd (2020), na isang malaking hamon sa e-learning ay ang kakahayang umangkop, makasabay sa pangangailangan at halaga ng bawat teknolohohiya sa pag aaral, habang buhay na pag katuto at iba’t iba pang alituntunin na ipinapatupad sa edukasyon. Kung kaya, napakaraming bansa ang nahaharap sa mahahalagang hamon kung paano mapapanatili ng malakas ang koneksyon sa Internet at pagkakaroon ng sapat na mga kagamitang panteknolohiya. Ngunit, hindi lingid sa ating kaalaman na may ilan pa ring mga mag-aaral ang hirap o kaya na ma’y hindi talaga kayang tugunan ang pangangailangan na ito.

    Bilang suporta sa aming naging konklusyon, inihayag ng pag-aaral ayon kay Elumalai, (2020) na ang mga positibong resulta ng pananaw ng mga mag-aaral sa kanilang pananaliksik ukol sa kalidad ng e-learning ay makakatulong sa mga gumagawa ng patakaran ng bansa sa pagbibigay ng mas maayos na proseso ng pagkatuto sa panahon ng pandemya na dulot ng COVID-19. Gayundin, sa pamamagitan ng mga resultang kanilang nakalap, mas nasiyasat nang husto na ang kahalagahan ng bawat mga aspeto at mga paraang naaayon para rito ay bukas para sa ikabubuti pa ng kalidad ng e-learning sa bansa.


References: 

Chhteri, R. & Pokhrel, S. (2021). A Literature Review on Impact of COVID-19 Pandemic on Teaching and Learning. Retrieved from https://journals.sagepub.com/doi/full/ 10.1177/2347631120983481 

Elumalai, K. et.al (2020) Factors Affecting the Quality of E-Learning During the COVID-19 Pandemic from the Perspective of Higher Education Students. Retrieved from https://doi.org/10.28945/4628

Lunes, Abril 4, 2022

Pangkatang Gawain

Implikasyon ng Pandemya sa Pang-Akademikong Performans ng mga Mag-aaral

 Talahanayan Bilang 1 

Kasarian ng mga Kalahok / Impormants


Interpretasyon 

    Ang mga datos na aming ipinapakita ay mga impormasyon patungkol sa Implikasyon ng Pandemya sa Pang-Akademikong Performans ng mga Mag-aaral. Sa mga nakalap na mga datos, maipapakita sa unang grapiko ang bilang ng mga kasarian ng mga nakilahok sa isinagawang pananaliksik. Ayon sa datos, ipinakikita na pantay at tig-kalahati ang nakalap na bilang at porsyento ng mga importants na babae at lalake. Ipinakikita sa unang grapiko na (90) siyamnapu ang nakalap na mga impormants sa nasagawang pananaliksik, kung saaan (45) apat napu’t lima o kaya’y (50%) singkwenta porsyento rito ay kababaihan gayundin sa kalalakihan na may (45) apat napu’t lima o kaya’y (50%) singkwenta porsyento.


Talahanayan Bilang 2 

Kabuuang Porsyento ng pagkatuto ng mga Kalahok / Impormants sa bawat Disiplina 


Interpretasyon 

    Ipinapakita sa Talahanayan bilang dalawa ang mga datos ukol sa Kabuuang Porsyento ng pagkatuto ng mga Kalahok / Impormants sa bawat Disiplina. Mayroong walong disiplina ang ginamit sa pananaliksik bilang batayan upang malaman ang estado ng perpormans o pagkatuto ng mga estudyante. Makikita rito na sa kabuuang bilang nga mga mag-aaral ay tanging piling sector ng disiplina lamang ang nakaabot sa pamantayang grado na idinedeklara ng paaralan. Makikita sa grapikong ito na ang mga sumusunod na disiplina tulad na lamang sa MAPEH at Edukasyon ng Pagkatuto ay ang siyang mga nakaabot sa porsyento ng pamantayang grado ng paaralan. Samantalang ang mga disiplinang tulad na lamang ng Math, Science, English, Filipino, Araling Panlipunan at TLE ay kapaloob na sa listahan ng mga may kabuuang mababang porsyento ng pagkatuto ng mga mag-aaral o sa kabilang banda ay mga disiplinang hindi na nakaabot sa itinakda ng sangay ng paaralan. Sa mas malinaw na interpretasyon, ipinapakita nito na ang MAPEH na may kaukulang 77.788 % ay ang siyang may pinakamataas na kabuuang porsyento sa pagkatuto at maaaring nagpapahayag na mas maraming mag-aaral ang siyang mas aktibo at mataas ang lebel ng pagkatuto humigit lalo na sa panahon ngayong pandemya. Ngunit kasalungat nito ang pagpapakita ng pinakamababang kabuuang porsyento ng pagkatuto sa disiplina ng English na kung saan ay mayroon lamang na 67. 612%. Ito ang disiplina kung saan ipinapahayag na maaaring sa aspetong ito ay higit na nahihirapan ang mga mag-aaral na makasabay at matuto ng maayos o mabilis. Dito ipinapakita na maaaring ang mga piling disiplinang ito ay ang siyang dapat unawain at bigyan ng sapat na atensyon upang mas linangin ang paraan ng pagtuturo sa mga estudyante upang maipataas lalo ang kanilang kabuuang porsyento ng pagkatuto. 


Talahanayan Bilang 3 
Mga Salik na Nakakaapekto sa Pag-aaral ng mga Kalahok / Impormants


Interpretasyon

    Ipinakikita sa ikatlong grapiko ang datos ukol sa Mga Salik na Nakakaapekto sa Pag aaral ng mga Kalahok/ Impormants. Nakatala ang listahan ng (13) labintatlong rason o posibilibidad kung bakit ganun na lamang naaapektuhan ang pag-aaral o kaya nama’y perpormans ng mga estudyante. Makikita rito na ang dahilan ng kawalan ng Internet Connection ay ang siyang may pinakamalaking resulta o mean na 4.59 na sinundan naman ng Kakulangan sa Gadget/s na may kaukulang mean na 4.57. Ang mga rasong ito ay ang tunay na nakakaapekto sa pag-aaral ng mga estudyante sapagkat sila’y nasa kasalukuyang set-up ng edukasyon na kung tawagin ay ELearning o Online Classes. Kasabay sa new normal na dulot ng pandemyang ito, ay ang pagsabay rin sa mga pagbabagong dulot nito tulad na lamang sa pag-aaral na kinakailangan ng mga teknolohiyang mga gamit at humigit ang internet connection upang makasunod at makasabay parin sa edukasyon. Ngunit hindi lahat ay mapalad na magkaron ng sapat na pangangailangan nito kunga kaya’t nakakaapekto sa kanilang pag-aaral. Samantala ang may pinakamababa namang datos ay ang “Pagkakaroon ng Malubhang Sakit” na may mean na 1.54 na sinundan ng Kakulangan ng Suporta ng Gobyerno na may mean na 3.02. Nagpapahayag lamang na ang mga salik na ito ay ang siyang hindi gaanong nakaapekto sa pag-aaral ngunit kinakailangan paring bigyan ng higit na atensyon humigit lalo na panahon ng pandemya na ito. Kinakailangang mapanatili humigit lalo na ang maayos na kalusugan, pisikal man ito, mental at lahat ng aspeto. Gayundin ang pagkakaron ng sapat na suporta mula sa gobyerno sapagkat hindi lahat ng pamilya ay may sapat na pantustos ng pangangailangan


Konklusyon

 Sa nagawang pananaliksik patungkol sa Implikasyon ng Pandemya sa Pang-Akademikong Performans ng mga Mag-aaral, mula sa 90 impormants, isinaad ng mga datos na sa kabuuang porsyento ng pagkatuto ng mga kalahok ay makikita na isa mula sa walong mga disiplina lamang ang pumasa batay sa pamantayang grado na idinedeklara sa ng paaralan at ito ay ang sa disiplina ng Edukasyon ng Pagpapakatao. Makikita rito na sa panahon ngayon ng pandemya ay mas kinakailangang pang paigtingin ang paraan ng pagtuturo sa panibagong set-up ng pandemya na kung tawagin ay Online Classes. Ito ang tinaguriang new normal sapagkat hindi pa muling isinasagawa ang tradisyunal na edukasyon kung saan ay tinatawag na Face to Face Classes. Ito ay upang mapanatili ang kaligtasan ng mga mag-aaral dulot ng pandemya. Hindi lahat ng mga estudyante ay kayang makasabay sa panibagong set-up kung kaya’t ganun na lamang ang naging resulta ng kabuuang porsyento ng kanilang pagkatuto. Kaya batay sa datos na ito ay inaanyayahan ang mga guro o paaralan na mas paglinangin ang mga paraan sa pagtuturo upang tumaas at mahila ang mga disiplinang hindi nakaabot sa pamantayang grado.

    Gayundin naman, isa sa pinakamataas na salik na nakakaapekto sa pagaaral ng mga kalahok ay ang Kawalan ng Internet Connection. Sa kabuuan ng konklusyon, ang implikasyon sa pandemyang ito ay ang lubos na pagkaapekto sa pang-akademikong perpormans ng mga mag-aaral. Ang pinakamataas na salik na nabanggit ay ang siyang humahadlang o sumusubok upang magkaroon ng maayos o kaya nama’y aktibong partisipasyon ang mga estudyante sa kanilang pag-aaral. Sa kasalukuyang panahon, iba’t iba ang estado o kalagayan ng bawat mag-aaral. Kung kaya’t napakaraming salik ang maaaring pagmulan ng pagtukoy sa kung ano ang nakaapekto sa pag-aaral ng mga estudyante. Ngunit, ipinapakita lamang sa mga datos na ito na mas higit na kailangan ng mga mag-aaral ang sapat na koneksyon sa internet upang makasabay at makapagpatuloy sa maayos na edukasyon, sa kadahilanang ito na ang midyum para sa bagong set-up ng Online Classes. Maaaring sa pagtugon sa salik na ito ay tumaas ang porsyento o estado ng mga mag-aaral sa kanilang perpormans sa edukasyon at mas umigting ang aktibo at maayos na daloy ng pagtuturo.

    Sa kabuuang ito, ipinapahayag lamang ng mga datos na ito na sa kabila ng kinahaharap na pandemya ng bansa at pagsabay sa mga pagbabagong dulot nito ay higit na kinakailangan at panatilihin ang maayos at kalidad na edukasyon para sa mga estudyante. Kinakailangan lamang maunawaan saang aspeto o disiplina ang kailangang bigyang atensyon at ano ang salik na kailangang mas bigyan ng aksyon upang sagayon ay hindi mapabayaan ang estado ng kanilang edukasyon

Unang Gawain


Kunin mo ang ibig kunin sa dampa ko,

Palay, bigas, lusong, at halong pambayó,

Kung inaakalang ililigaya mo,

Laban man sa puso’y handog ko sa iyo…


Anak ko ma’y hubdan ng suot na damit,

Sampun ng baro kong lampot at gulanit,


Ibibigay ko rin maluwag sa dibdib,

Kami ma’y lamunin ng init at lamig…


Datapwa’t huwag mong biruin si Ina!

Huwag mong isiping sapagka’t api na,


Ang Ina ko’y iyong masasamantala…


Si Ina ang aking mutyang minamahal,

Si Ina ang tanging buhay ko’t katawan;

Siya, pag kinuha, ikaw’t ako’y… patay!

Tekstong Prosidyural

 Proseso ng Paghahalo ng Tamang Bilang ng Semento, Buhangin, Graba, at Tubig para sa Lakas ng Konkreto na 3000psi na Kailangan sa Pagpapata...