Proseso ng Paghahalo ng Tamang Bilang ng Semento, Buhangin, Graba, at Tubig para sa Lakas ng Konkreto na 3000psi na Kailangan sa Pagpapatayo ng Isang Gusali
- Sa unang proseso nang pagkamit ng 3000psi na lakas ng konkreto, ihanda ang mga gagamiting
materyales. Kasama sa mga materyales na ihahanda ang semento, buhangin, graba, at tubig na
may proporsyon na, 1:2:3:0.5. Kabilang din sa mga ihahanda ang concrete mixer na gagamitin sa
paggawa ng halo, balde na gagamitin sa pagsalok ng tubig, at pala na gagamitin sa pagsalok ng
mga materyales na ilalagay sa concrete mixer. Kinakailangan din natin ng molder na siyang
paglalagyan ng nagawang semento.
- Sa pangalawang proseso, gamit ang pala at balde, dahan-dahang ilagay at pagsama-samahin ang
semento, buhangin, graba, at tubig sa loob ng concrete mixture. Kung halimbawa ay ang isang
sako ng semento na iyong gagamitin ay may bigat na 40 kilo, ang ilalagay na buhangin ay 80 kilo,
graba na 120 kilo, at tubig na 20 litro, alin sunod sa tamang proporsyon ng pagbuo ng konkreto.
- Sa pangatlong proseso, gamit ang concrete mixer, paikutin ang aparato upang tuluyang magsama-sama ang mga nilagay sa loob nito. Hayaang maghalo ang konkreto hanggang sa tuluyan itong magsama-sama at makamit ang tamang consistency.
- Sa pang-apat na proseso, paghaluin ang concrete mixture nang mga 3-5 minuto hanggang sa maging uniform ang mixture at makabuo ng isang semento.
- Sa pang-huling proseso, ilatag sa molder ang semento at hintayin itong matuyo. Sa curing stage o pagpapatuyo ng konkreto, pagka-abot nito sa pang-pitong araw, ang buong compressive strength nito ay hindi bababa sa 70 porsyento. Bilang 3000psi ang dapat nating makamit na lakas nito, marapat lamang na ito ay patuyuin ng hanggang 28 araw upang makamit din natin ang maximum compressive strength nito.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento