Ang Alegorya ng Yungib
ni Plato
Larawan:
|
Bahagi ng akdang binasa |
Pinapaksa
sa bahagi na napili sa akdang binasa |
Kaugnayan
ng larawan sa napiling bahagi |
|
Kailangang mahirati ang kaniyang paningin sa dakong
itaas ng mundo. At makita niya nang maliwanag ang mga anino, kasunod ay ang
repleksiyon ng tao at iba pang bagay
sa tubig, at ang mismong mga bagay. Pagkatapos, tititig siya sa liwanag ng
buwan at mga bituin, at sa maningning na kalangitan; at kaniyang makikita ang
ulap at mga bituin sa gabi nang mas maningning kaysa liwanag ng araw na hatid
ng umaga.
Tiyak.
Higit sa lahat, magkakaroon siya ng kakayahang makita
ang araw, hindi lamang ang repleksiyon niya sa tubig kundi makikita niya ang sarili sa kinaroroonan, at hindi sa iba
pa man, at siya ay makapagninilay-nilay kung sino siya.
Tiyak.
At siya ay makararating sa pagtatalo na siya mismo
ay naglaan ng panahon. At ang gumagabay sa lahat ng ito ay yaong nakikita sa
mundo, na naging dahilan upang siya at ang kaniyang kapwa ay masanay sa
pagtitig.
|
Sa bahaging aking napili sa nabasang akda, ito ay
aking malalarawan sa usapin ng “Kamalayan sa Lipunan at Kultura”
|
Bilang paguugnay ng aking napiling bahagi sa larawan, ayon sa
aking napiling bahagi, kailangan mo raw imulat ang iyong mga mata upang
makita ng maliwanag ang mundo. Dapat din daw, ikaw mismo ay marunong tumingin
sa iyong sariling repleksyon. Dapat raw matutunan mong makita ang mundo at
ang mga katotohanan na nakapaloob dito. Nang sa gayon, makapagbahagi ka sa
ibang tao ng karunungan at mabago ang kanilang pananaw at masanay sila sa mga
bagong katotohanan ng mundo.
Alam naman natin na ang mundo, sa kasalukuyan, ay magulo.
Madaming problema. May mga bagay pa rin na kahit palagi ng napaguusapan ay
taliwas pa rin sa kanilang paniniwala. Sadyang kinagisnan ng ibang tao ang
mga ganung paniniwala. Pero nang dahil sa patuloy na pagdaloy ng
modernisasyon at kasabay ng tamang edukasyon, natutuhan natin kung paano
makibagay sa ating lipunan. Mas natutuhan natin na itama ang mga dating gawi,
pagiisip, at pag uugali ng ibang tao. Kaya nga sabi saking bahaging napili,
“At ang gumagabay sa lahat ng ito ay yaong nakikita sa mundo, na naging
dahilan upang siya at ang kaniyang kapwa ay masanay sa pagtitig.”
Sa lahat ng kaguluhang nangyayari sa mundo ngayon, wala nang mas
mahalagang panahon para sa sangkatauhan na buksan ang ating mga mata sa mga
karapatan na dapat na tinatamasa ng ating kapwa. Mas magiging maganda ang
mundo kung tayo mismo ay hindi isang bilanggo sa mundo ng kamangmangan.
Kinakailangan na ating gamitin ang ating isipan upang matuklasan ang tunay na
kaanyuan ng mga bagay-bagay sa mundong ating kinabibilangan. |

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento