Huwebes, Abril 7, 2022

Kabataang Gen Z (Balangkas at Sanaysay)

Balangkas 

Tesis na Pangungusap: Ang kabataan ng Henerasyon Z ay mananatiling pag-asa ng bayan. 

A. Impluwensya ng iba’t ibang social networking sites 

    a. Malayang plataporma sa pagsasalita at paglalahad ng damdamin 

    b. Karagdagang kaalaman sa mga napapanahong isyu ng mundo 

B. Walang takot na pagharap sa mundo 

    a. Tapang para sa bayan

    b, Tapang sa pagsulong ng kung ano ang tama 

     

Sanaysay 

    Ang kabataan ng Henerasyong Z ay mananatiling pag-asa ng bayan sapagkat sa kasalukuyan, ang impluwensya ng iba’t ibang social networking sites ay ang siyang unang nakikita sa mga kabataan ng henerasyong ito. Sa makabagong mundo, ito ang nagiging isang malayang plataporma sa pagsasalita at paglalahad ng damdamin ng mga kabataan. Dito nila mas naipapadama at naipapamahagi ang kanilang mga hinanaing at mga saloobin sa iba’t ibang bagay na kanilang nakikita kagaya na lang ng mga usapin patungkol sa pulitika, at iba't ibang isyu na laganap sa ating lipunan. Bilang ang mga kabataan ngayon ay hantad sa iba't ibang kagamitang panteknolohiya, isa rin sa dahilan ng pagiging mulat nila sa bayan ay ang pagkakuha karagdagang kaalaman sa mga napapanahong isyu ng mundo gamit ang iba't ibang social media sites. Bilang ang kasalukuyang henerasyon ay tutok sa mga ito, may mga impormasyon at mga bagay bagay ang nakakapagmulat sa kanilang kaisipan sa iba’t ibang isyu ng mundo kaya't nagagawa nilang tumindig sa mga bagay na alam nilang wasto sa kaisipan ng nakararami. 

    Sa pagsulong ng kinabukasan ng bayan, mananatiling pag-asa ang mga kabataan sapagkat sila ay walang takot na humaharap sa mundo. Sila'y may tapang para sa bayan. Bilang maugong at nalalapit na ang eleksyon, alam ng mga kabataan sa henerasyong ito kung sino ang kanilang dapat piliin. Hindi sila mangmang sa kung sino ang dapat maupo at mamuno para sa susunod na anim na taon ng kanilang kinabukasan. Higit sa lahat, ang mga kabataan sa henerasyong ito ay may tapang sa pagusulong ng kung ano ang tama. Nagagawa nilang ipagtanggol ang kanilang kapwa mula sa mga taong mangmang sa katotohanan. 

    Sa usaping may kinalaman sa mga kabataan, nawa'y ating maintindihan na sa paglipas ng panahon, iba't ibang kasanayan at kaalaman ang kanilang natututunan na iba sa pananaw ng ibang nakakatanda. Marapat din nating isaalang-alang na ang henerasyon ngayon ay hindi katulad dati. Ang mga kabataan ngayon ay may iba't ibang pamantayan na nahubog mula sa lipunang kanilang kinaroroonan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tekstong Prosidyural

 Proseso ng Paghahalo ng Tamang Bilang ng Semento, Buhangin, Graba, at Tubig para sa Lakas ng Konkreto na 3000psi na Kailangan sa Pagpapata...