Argumento: Sang-ayon ka ba sa pananakop ng Russia sa Ukraine?
Sa pagsiklab ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine, ang aking paninindigan sa usapin na ito ay ako'y hindi sumasang-ayon sa pananakop ng Russia sa Ukraine. Noong ika-24 ng Pebrero taong 2022, nag anunsyo ang Presidente ng Russia na si Vladimir Putin
ng isang “Special Military Operation” sa bansang Ukraine. Ngunit sa mga nangyayaring pambobomba ng
Russia sa Ukraine, malinaw sa lahat na ito ay isang “Full-Scale Invasion”. Ito ay nagbigay takot hindi lamang sa mga mamamayan ng bansang Russia at Ukraine, gayondin sa buong mundo.
Sa pagnanais na sakupin ni Pangulong Putin ang Ukraine, siya ay gumamit ng dahas. Kung ating babalikan ang taong 2014, nang mapatalsik ang Presidente ng Ukraine na isang
pro-Russian, si Putin ay gumamit na rin ng dahas sa bansang Ukraine. Sa kagustuhan ni Putin na mapigilan
ang pagbuo ng alyansa ng Ukraine sa European Union at sa pangamba na siya ay mawalan ng political
influence sa bansang ito, kanyang sapilitang sinakop ang parteng Crimean Peninsula at ang rehiyon ng
Donetsk at Luhansk. Ngunit lumipas sa na mga taon, hindi pa din tinatantanan ni Pangulong Putin ang Ukraine.
Sa makalipas na walong taon, nangangamba si Pangulong Putin na wala siyang magawang progreso sa
kanyang paninindigan na dapat ang Slavic Nation, particular na ang Ukraine at Russia, ay dapat maging
parte ng iisang bansa. Ayon sa Guardian News (2022), aniya ni Pangulong Putin, ang mga pangyayari
nuong 1991, kung saan ang pagkabuwag ng Soviet Union na binubuo ng labinlimang bansa mula silangang
parte ng Europa, ay hindi makatarungan at hindi tama. Kaya naman netong Pebrero, siya ay nagdemand
sa North Atlantic Treaty Organization (NATO) na itigil ang pagpapalawig ng impluwensiya nito at ibalik sa
dati ang ayos ng border kagaya nuong 1997 sapagkat nangangamba siya sa mga maaaring posibilidad ng
pagkamit ng Ukraine na mapabilang sa NATO at sa isyu ng sekyuridad ng kanyang bansa sapagkat ang
Ukraine ay may malawak na border.
Sa mga naging rason nang pagsibol ng alitan na ito sa pagitan ng Russia at Ukraine, marapat
lamang na sabihin na hindi makatarungan at hindi tama ang ginawa ng Russia sa Ukraine. Ang mga
pangyayaring ito ay hindi makatuwiran sapagkat ang Ukraine ay isang sovereign nation na may sariling
lenggwahe, kultura, at political system. May karapatan ang bansang Ukraine sa kung ano ang kanilang
desisyon sa pagpapalago ng kanilang bansa.
Bilang isang inhinyerong sibil sa hinaharap, ang epekto ng mga ganitong alitan sa aming larangan ay ang mga
posibilidad ng pagkakaroon ng kakulangan sa suplay ng mga produkto kagaya ng bakal na kinakailangan sa pagbuo ng
aming proyekto at gasulina para sa pagpapaandar ng mga makinaryang kinakailangan. Bilang pagwawakas, ang pagsibol ng pagkabahala sa pagkakaroon ng malalang “chain reaction” gawa ng alitan na ito ay isang alalahanin para sa lahat ngunit dapat din nating bigyang diin na sa laban sa pagitan ng Russia at Ukraine, hindi katanggap-tanggap ang pagkawala ng buhay ng mga inosenteng tao dahil lamang sa pansariling interes ng mga nasa kataas-taasang opisyales ng bansa.
Sanggunian:
Guardian News (2022, Pebrero 25). Why has Putin's Russia waged war on Russia? [Video]. Youtube. https://www.youtube.com/watch?v=YNlUnipdbQM&t=21s
Vox (2022, Marso 3). Putin's war on Ukraine, explained [Video]. Youtube. https://www.youtube.com/watch?v=MVu8QbxafJE&t=365s
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento